WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Bong Quinto, Meralco lakas ng boltahe

Mga laro ngayon:

(PhilSports Arena)

4:30pm — NLEX vs Phoenix

6:45pm — TNT vs NorthPort

KINARGA ni Bong Quinto ang Meralco Bolts sa 105-92 panalo kontra Terrafirma Dyip sa first game ng 2022 PBA Commissioners’ Cup sa Araneta Coliseum, Biyernes.

Kumalawit si Quinto ng 17 puntos, 7 rebounds, 3 assists at 2 steals upang ipalasap sa Bolts ang una lamang nitong panalo matapos ang dalawang magkasunod na kabiguan sa import-reinforced na torneo.

Tumulong din si Johnny O’Bryant ng 31 puntos, 11 rebounds, 4 assists, 3 steals at 1 block habang nagdagdag si Allein Maliksi ng 18 puntos, 6 rebounds, 2 assists at 2 steals.

Nasalap naman ng Dyip ang pangatlo nitong talo sa komperensiya at kabuuang pang-20 sunod na pagkatalo simula pa sa nakalipas na tatlong komperensiya.

Nag-ambag naman si Aaron Black ng 17 puntos, 3 rebounds, 5 assists at 2 steals.

Ibinigay ni Maliksi sa isa nitong tres ang pinakamalaking 14 puntos na abante ng Bolts sa 96-82, may 5:52 pa sa ikaapat na yugto upang pigilan ang pagtatangkang makabalik ng Dyip. (Lito Oredo)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on