WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

‘Bata’ Reyes yuko sa bagets

NAKAKUHA ng ‘experience of a lifetime’ si 15-year-old cue artist AJ Manas matapos talunin sa elimination round si pool legend Efren “Bata” Reyes, 8-5, sa 1st Mayor Albee Benitez MassKara Billiards tournament sa Bacolod City nitong Miyerkoles.

“Panalo ang pocketing niya. Ang galing, meron na rin siyang mga posisyon,” papuri ng many-time champion na si Reyes. “Ang tira ko naman ngayon pawala na.”

Bagaman natalo sa round of 16 kay Jundel Mazon, 7-8, ay pinatalsik din ni rising teen Manas si national player Warren Kiamco, 8-7, sa round or 32.

Ayon sa pambato ng Antipolo City, napupursige siyang tumumbok kapag nakakalaro ang mga nirerespeto niyang billiard plyers at marami siyang natutunan sa mga laban. (Elech Dawa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on