WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Bomba bumulaga sa hukay

Bumulaga ang isang vintage bomb sa hinuhukay na proyekto ng Maynilad sa Malate, Maynila nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa Manila Police District-Police Station 9, natagpuan ng construction worker na si Rodel Salvador, 36-anyos ang bomba sa northbound ng hinuhukay nila sa Taft Avenue, Malate bandang alas-9:30 ng gabi.

Sinabi ni Salvador na naglalagay siya ng tubo sa lugar nang makita niya ang lumang bomba kaya agad niya itong ipinaalam sa kanyang superior.

Naalis naman ng mga tauhan ng Explosives Ordnance Division (EOD) ng MPD ang 105 mm HE Projectile na kabilang sa mga pinakawalang bomba sa Maynila noong World War II. (Juliet de Loza-Cudia)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on