WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Panay hakbang sa hagdan

Madalas kong mapanaginipan na naglalakad ako sa hagdan, madalas pataas raw. Minsan maluwag ang hagdan, pero may isa akong panaginip na kita kong makipot ‘yung hagdan at parang paikot-ikot, ‘yung tipong parang tore ang inaakyat ko. Gusto ko lang din malaman kung ano ang kahulugan nito. Salamat.

– Yetz

Ang mga panaginip tungkol sa hagdan ay isang malakas na sign ng personal growth. Pwede itong maging indikasyon na may progress ka nang ginagawa para maabot ang mataas mong pangarap.

Mahalaga rin na matukoy ang lokasyong ng hagdan sa iyong panaginip. Kung nakita mo ito sa pampublikong lugar o hindi pamilyar na lokasyon may kaugnayan ito sa iyong behavior at paraan ng interaksyon o pakikitungo sa ibang tao.

Mahilig ka ba na makisama sa iba? O mas gusto mo na kumilos o umabante mag-isa?

Kung makikita mo ang iyong sarili na umaakyat o bumababa sa hagdan na tila walang direksyon o tiyak na pupuntahan, sinasabi nito na marami kang issue at stress sa buhay na iyong pinagdadaanan.

Maigi na mag-slow down at i-deal ang lahat ng pagsubok nang isa-isa para hindi rin magkasabay-sabay ang lahat sa busy schedule mo.

Pero sa kabilang banda, kung nakita mo naman ang sarili mo na mahinahong naglalakas pataas o pababa ng hagdan, sinasabi nitong kaya mong mag-multi task nang iba’t ibang gawain.

May sinisimbolo rin ang kondisyon ng hagdan, tulad na lang ng kung ito ba ay bago o luma. Kung luma o sira na ito, sinasabi ng panaginip mo na may mga pangyayari sa nakaraan ang iniwasan mo ngunit ngayon ay dapat mo nang pagtuonan ng pansin dahil ito ang magiging sagabal sa iyong pag-usad

Kung ito naman ay bagong hagdan, sinasabi ng panaginip mo na may mga bagong issue sa iyong waking life ang hindi mo nabibigyan ng atensyon.

Ang tila spiral o paikot namang hagdan ay sumisimbolo sa rebirth at importanteng journey ng iyong buhay. Maaaring papasok ka na sa panibagong yugto ng iyong buhay at mas na-realize mo na kung sino ka talaga.

May mga bago ka nang ideya, porma, diskarte, at kung paano mo i-deal ang iba’t ibang issue ng iyong buhay.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on