WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Magsasaka nalambat sa 10 warrant

Nagwakas ang apat na taong pagtatago ng isang magsasaka nang makorner ito ng mga awtoridad dahil sa kinakaharap na 10 warrant of arrest sa Maguindanao nitong Martes.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group-Special Operations Group (CIDG-SOG) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) chief Major Esmael Madin, hindi na pumalag ang suspek na si Mubarak Bangon, 34-anyos, ng Barangay Bitu nang dakpin ito sa kanyang tinutuluyan bandang ala ins-10:35 ng umaga.

Ipinalabas ang 10 warrant ng nagretirong si Judge Bansawan Ibrahim ng regional trial court (RTC) Branch 13 noong 2018 para sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms and explosives.

Nagrekomenda ang korte ng kabuuang P720,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on