WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Sofia Frank papasikat sa Junior World skating

NAKAPAGKUWALIPIKA sa Junior World Championship ang Filipino-American figure skater na si Sofia Frank.

Ito ay matapos na okupahan ng 16-anyos na Fil-Am skater ang pang-16 na pwesto sa kabuuang 49 manlalaro sa ISU Junior Grand Prix na ginanap sa Gdnask, Poland.

Nakapagtala si Frank ng 92.76 points sa kanyang free skates at 49.99 sa short program para sa kabuuang 142.75.

Noong nakaraang mga buwan ay nagtapos sa pang-22 si Frank sa Junior World Championships.

Gaganapin sa buwan ng Pebrero sunod na taon ang Junior World Championship sa Calgary, Alberta, Canada. (Lito Oredo)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on