WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

SIM card rehistro bill, pagliban sa BSKE pirma na lang ni Marcos kulang

Pirma na lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kulang upang maging batas ang SIM registration bill at panukala na ipagpaliban ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa isang seremonya ay nilagdaan nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri ang enrolled copy ng mga panukala, ang dalawang panukala na naipasa at naratipika ng 19th Congress.

Ang enrolled bill o ang printed copy ng pinal na bersyon ng panukala ay sinertipikahan na tama nina House Secretary General Reginald Velasco at Senate Secretary Atty. Renato Bantug Jr.

Ang kopya ay ibinigay kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Llandro Mendoza na siyang magdadala nito sa Malacañang para pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang maging batas ang mga ito. (Billy Begas)

This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on