WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Palabang brodkaster tinumba

Patay ang isang palaban na broadcast journalist matapos itong tambangan at pagbabarilin ng dalawang magkaangkas sa motor sa loob ng kanyang sasakyan habang pauwi ito sa Talon Dos, Las Piñas City nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Percival Mabasa, alyas ‘Percy Lapid’, 63-anyos, komentarista sa DWBL radio at residente ng No. 26 San Beda Homes, Talon 2, Las Piñas City. Pauwi ang biktima para sa kanyang online broadcast ng kanyang programa na ‘Lapid Fire’

Batay sa imbestigasyon, pauwi ang biktima para sa kanyang online broadcast ng programa niyang ‘Lapid Fire’ nang mangyari ang krimen bandang alas-8:30 ng gabi.

Sa ulat, minamaneho ni Mabasa ang itim na Toyota Innova na may plate number NGS 8294 at papasok na sa gate ng BF Resort sa Aria St., Barangay Talon 2, Las Piñas City si Mabasa nang magmenor ito dahil sa pagsunod ng isang sasakyan.

Sinamantala umano ito ng mga nakamotorsiklong suspek, tinapatan ang biktima at saka ito pinagbabaril. Agad na tumakas ang mga ito matapos ang krimen.

Narekober sa lugar ang dalawang basyo ng hindi pa natukoy nabaril.

Kaugnay nito, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief General Rodolfo Azurin Jr., na nagtatag na ang Las Piñas City Police sa ilalim ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ng Special Investigation Task Group (SITG) na tututok sa gagawing imbestigasyon upang matukoy ang motibo at utak ng krimen.

Ayon kay Las Piñas City Police Chief, P/Col. Jaime Santos, kabilang sa mga posibleng motibo sa pagpaslang sa biktima ay may kinalaman sa kanyang trabaho.

Samantala, naisumite na ang cellular phone ni Mabasa para isailalim sa digital forensic test at maging ang dashcam sa kotse nito ay rerebyuhin para sa back tracking at tracing sa mga salarin.

Kinokolekta na rin aniya nila ang kopya ng lahat ng CCTV footage sa lugar na maaaring makatulong sa kanilang imbestigasyon. (Betchai Julian/Edwin Balasa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on