WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Jason Melano, Carlo Lastimosa pasiklab sa Pasig

KUMAYOD sina Jason Melano at Carlo Lastimosa para pamunuan ang Pasig sa 82-78 tagumpay kontra Bacoor sa OKbet-MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) 4th Season na handog ng Xtreme Lunes ng gabi sa Paco Arena.

Nagsalpak sina Melano at Lastimosa ng back-to-back triple at tinapos ng isang Jason Ballesteros dunk na naging daan para sa ika-14 panalo ng Realtors laban sa 6 na talo sa single round-robin elimination phase ng 22-team paligsahan.

Kumalas ang Bacoor sa pamamagitan ng 10-5 salvo na itinampok ng tatlong sunod na triple nina Eric Acuna at Paolo Castro upang magbanta sa 76-79, may 44 segundo pa.

Bumagsak ang Bacoor sa 8-12 panalo-talo record sa kabila ng 24-point effort ni Paolo Castro at 11-point, 14-rebound output ni Eric Acuna. (Annie Abad)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on