WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Unahin mga gov’t exec, worker! Robin inalmahan drug test sa mga artista

Tutol si Senador Robin Padilla sa panukalang isailalim sa mandatory drugs ang mga artista bago pumasok sa acting project.

“Tayo ay nakikiisa sa layuning maprotektahan ang ating mga kababayan sa kapahamakan ng ilegal na droga. Kasama na rito ang mga kapwa kong artista,” sabi ni Padilla.

Ayon sa senador na isa ring batikang action star, hindi puwede obligahin ang sinumang artista na magpa-drug test at mas mainam aniya na gawin itong boluntaryo.

“Ngunit hindi maaaring obligahin ang sinuman na magpa-drug test, dahil maaaring labag ito sa kanilang karapatang pantao,” ani Padilla.

“Mas mainam kung boluntaryo ang kanilang drug test para na rin ito sa kanilang kapakanan at kaligtasan. At kung sila ay magpapa-drug test, mas mabuti kung ang employer nila ang gagastos para rito,” dagdag pa niya.

Sabi pa ni Padilla, mas makabubuti kung ang unahing pa-drug test ang mga opisyal at kawani ng gobyerno kesa sa mga artisa.

“Sa kabilang dako, mas nararapat na sumailalim sa drug test ang ating mga opisyal at kawani ng pamahalaan – na may tungkuling magbigay ng mabuting halimbawa para sa kapwa nating Pilipino,” ani Padilla.

Ang isyu sa drug test ay uminit matapos itulak ni Cong. Robert Ace Barbers na obligahin ang mga artistang magpa-drug test muna bago bigyan ng proyekto kasunod ng pagkakatimbog sa aktor na si Dominic Roco, kasama ang apat pa sa isang buy-bust sa Quezon City.

Kasabay nito ay umapela si Philippine National Police Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., sa malalaking television networks at actors Guild of the Philippines na magsagawa ng drug tests sa kanilang mga talent o miyembro. (Dindo Matining/Kiko Cueto)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on