WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Prime Infra ni Razon kayang patakbuhin Malampaya – DOE

Inaprubahan ng Department of Energy ang pagbili ng Prime Infrastructure Capital Inc. ng bilyonaryong si Ricky Razon ang 45% na pag-aari ng Shell sa Malampaya Service Contract 38 na muntik mapunta kay Davao businessman Dennis Uy.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOE na inaprubahan nito ang pagbili ng Prime Infra sa interes ng Shell sa Malampaya dahil may sapat itong kakayanan para maging operator ng Malampaya natural gas project. Sabi ng DOE, may sapat na pondo rin ang Prime Infra at may kakayanan din itong ligal para maging successor ng Shell sa Malampaya.

Bibilhin ng Prime Infra ang Shell Philippines Exploration BV at magpapatuloy ang SPEx bilang subsidiary ng Prime Infra sa pagpapatakbo ng Malampaya Service Contract 38.

Sabi ng DOE, nauna nang binasbasan ng PNOC-Exploration Corp ang pagbili ng Prime Infra sa SPEx noong September 22. Ang PNOC-EC ay may 10% na interes sa Malampaya. (Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on