WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Piso kontra dolyar sadsad sa 59

Muling nagsara ang palitan ng piso kahapon sa P59 laban sa dolyar.

Nagbukas ang palitan ng piso sa P58.75 kahapon, mas mahina kaysa sa closing nito na P58.625 noong Biyernes.
Lumakas hanggang P58.72 ang piso bago nagsara sa pinakamahina nito kahapon na P59.

Tila nahimasmasan ang mga trader sa mabilis na pagbulusok ng piso noong Setyembre at matumal ang palitan kahapon.

Ayon sa Bankers Association of the Philippines, umabot sa $666.7 milyon lamang ang mga transaksyon sa spot market gayong araw-araw itong pumapalo sa $1 bilyon noong nakaraang linggo. (Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on