WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Nambudol ng business permit, ex-city hall staff kinalawit

Arestado sa isang entrapment operation ang dating empleyado ng Cebu City Hall matapos nitong pangakuan ang isang aplikante na siya ang bahala sa pagproseso ng kailangan nitong business permit noong nakaraang linggo.

Sa ulat, ipinagyabang umano ni Elmer Moreno, dating job order worker sa city hall na kaya niyang ayusin ang kailangan nitong dokumento kahit hindi na siya konektado sa city hall.

Dinakip si Moreno ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) Region 7 sa isang entrapment operation sa Gen. Maxilom Avenue sa Cebu City noong Biyernes. Nahaharap ito sa kasong estafa.

Sinabi ng complainant na si Maricel Awas Golosino na binigyan niya ang suspek ng P23,800 bilang bayad dahil nangako ito na kayang ipalabas ng mga dati niyang kasama sa dibisyon ang building permit na kailangan niya.

Patuloy umano siyang pinaniwala ni Moreno na malapit ng maproseso ang ina-apply niyang building permit sabay hingi pa ng dagdag na P3,200.

Dahil dito, inilatag ng NBI-7 ang entrapment operation na nagresulta sa kanyang pagkakahuli. Narekober sa suspek ang marked money, ID mula sa Mayor’s Office, USB drive, mga cell phone at mga pekeng dokumento.

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on