WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Mike Arroyo inabsuwelto sa segundamanong helicopter

Pinawalang-sala sa kasong graft ng Sandiganbayan si dating First Gentleman Jose Miguel ‘Mike’ Arroyo kaugnay sa maanomalyang pagbili ng Philippine National Police (PNP) ng segundamanong helicopters noong 2009.

Ang pagbasura ng Sandiganbayan sa kaso ay alinsunod sa naging ruling ng Korte Suprema na nagsasabing hindi dapat masama sa makakasuhan si Arroyo dahil malinaw na wala itong koneksyon sa nagbenta ng mga helicopter.

Ang kaso ay nag-ugat nang bumili ang PNP ng helicopter mula sa Manila Aerospace Products Tradin¬g Corporation (MAPTRA): isang Robinson R44 Raven II Light Police Operational Helicopter sa halagang P42.31 million at dalawang Standard Robinson R44 Raven I Light Police Operational Helicopters sa halagang P62.67 million.

Ang dalawang Standard Robinson R44 Raven I choppers ay sinasabing dating pagmamay-ari ni Arroyo subalit wala itong kilala sa MAPTRA at ang kanyang helicopter ay nabenta sa pamamagitan ng Lourdes T. Arroyo Incorporated (LTA) na ang tumatayong pangulo ay ang kanyang kapatid na si Iggy. (Tina Mendoza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on