WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

LTFRB susuyurin mga bus, jeep na walang fare matrix

Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na 6% pa lamang ng public utility vehicles (PUVs) ang nakakuha ng bagong fare matrix, kaya ang mga ito lamang ang may karapatan na magtaas ng singil sa unang araw ng pagpapatupad ng dagdag-pasahe.

“Ito pong fare matrix para sa effectivity nung bagong fare adjustment, mga six percent pa lang ang nabibigyan natin doon sa target nating 250,000 na mga PUV,” pahayag ni LTFRB Board Member Mercy Jane Paras-Leynes sa isang panayam.

Sinabi ni Leynes na P5,000 na multa ang ipapataw sa mga PUV na hindi magpapakita ng kopya ng bagong fare matrix batay sa Joint Administrative Order No. 2014-001, at aniya ay nakakalat na ang monitoring team ng LTFRB para suriin ang mga PUV.

Kaugnay nito, hinimok ng opisyal ang mga commuter na i-report ang mga PUV na walang bagong fare matrix sa pamamagitan ng Facebook page ng LTFRB at hotline 1342, pero naniningil na ng dagdag pasahe.

Aniya, P50 lamang ang singil ng ahensya sa bawat kopya ng upda¬ted fare matrix. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on