WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Dating kusinero, dinakma sa 8M droga

Isang dating kusinero ang dinakip ng mga awtoridad matapos itong makumpiskahan ng higit isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P8.1 milyon sa isang buy-bust operation sa Barangay Lorega San Miguel, Cebu City noong Sabado.

Dinakip ng mga tauhan ng Parian Police Station ang suspek na si Leo Cortes, 32-anyos, residente ng L. Flores St., sa Barangay Pasi, Cebu City pasado alas-tres ng madaling-araw sa Barangay Lorega San Miguel.

Narekober sa kanya ang 1.2 kilo ng umano’y shabu na may standard price na P8.1 milyon.

Nabatid na dating nagtatrabaho si Cortes bilang cook sa isang hotel sa Gorordo Ave. sa Cebu City.

Gayuman, sinabi ni Parian Police Station chief Major Efren Diaz Jr., na sinimulan nilang tiktikan ang suspek nang palaging lumulutang ang pangalan nito sa mga operasyon ng ilegal na droga.

Samantala, inamin ni Cortez na ito na ang ikatlong beses na nag-deliver siya ng droga kapalit ng P10,000.

Nakuha umano niya ang droga sa kontak niyang preso sa Cebu City Jail pero hindi niya alam ang pangalan nito.

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on