WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Solid Kapamilya: Jake tinanggi pagbalik sa GMA

Agad-agad na kinorek ni Jake Cuenca ang tsismis na lilipat siya, o babalik sa GMA-7. Kinumpirma nga niya na kabilang siya sa bagong teleseryeng hinahanda ng Star Creatives.

Ayon sa post ng Star Creatives, ang entertainment unit na may hawak sa bagong teleserye ni Richard Gutierrez, kasama sina Maja Salvador, Sue Ramirez, pasok nga sa kanila si Jake Cuenca.

Kasalukuyan silang nagti-taping sa Cebu.

Ni-repost ni Jake ang post ng Star Creatives at nag-reply rin siya sa post ng netizen tungkol sa bali-balitang lalayas siya sa ABS-CBN.

“16 years Kapamilya strong,” sabi ni Jake.

Maalabo ngang lumipat si Jake dahil noong Pebrero ay nag-renew siya ng kontrata sa Star Magic at ABS-CBN.

Huling napanood si Jake sa pinag-usapan primetime series na “Viral Scandal” kasama sina Charlie Dizon at Dimples Romana.

Bukod nga pala sa bagong serye, inaabangan din siya sa ABS-CBN international series na “Cattleya Killer” kung saan bida si Arjo Atayde. Matatandaan na noong Hunyo ay natapos na nila itong i-shoot at nag-aantay na lang ang viewers kung kailan at saan ito ipapalabas. (Rb Sermino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on