WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante KARTADA

Politiko binudol ng mga kaalyado

Laking panlulumo ng isang kandidato sa katatapos na halalan dahil sa kabila ng limpak-limpak na salapi na pinakawalan nito ay hindi pa rin ito nanalo.

Lumaban itong ating tampok na kandidato upang maging congressman ng isa sa mga lungsod sa Metro Manila. Kung pera rin lang ang pag-uusapan, lamang na lamang itong ating bida sa kanyang nakalaban.

Ayon sa tsinika ng ilang Marites kay Mang Teban, nagpakawala raw agad ng dangkal-dangkal na salapi itong kandidato sa mga political leader niya hindi pa man nagsisimula ang campaign period.

Kampanteng kampante si mokong na makakaupo siya sa Kongreso at ilang araw bago ang halalan, hiniritan siya ng mga kaalyadong politiko na maghatag muli ng pambili ng boto.

Abot hanggang tenga raw ang ngiti ng kanyang mga political leader nang makuha ang pera sa kumakandidatong congressman, mistulang tumama ng jackpot sa lotto nang gabing iyon.

Pero sa mismong araw ng halalan, laking dismaya ng kandidato nang mangamote ito sa bilangan as in hindi man lang dumikit sa nanalong kalaban.

Doon lang nahimasmasan ang kandidato na binudol lang siya ng kanyang mga political leader dahil ibinulsa lang pala ang malaking campaign fund na binigay niya at hindi nakarating sa palad ng mga botante.

Pintahan n’yo na. Ang ating tampok na kandidato ay sumikat dahil sa kinasangkutang kontrobersya na ginamit ding panira sa kanya noong kampanya. Siya ay mayroong letrang S sa pangalan, as in ‘Saan’ napunta ang pera ko.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on