WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Mga Noypi sa Florida ligtas kay Hurricane Ian

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na nasawi o nasaktan sa pananalasa ng hurricane Ian sa Florida, USA.

Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Ma. Teresita Daza, ligtas ang 168,000 Pilipino sa Florida na karamihan ay mga healthcare professional.

Umaasa naman aniya ang DFA na wala silang matatanggap na ulat na may napahamak ditong Pilipino.

Ayon sa ulat, 31 ang nasawi dahil sa paghagupit ng bagyo simula nang mag-landfall ito sa lugar nitong Miyerkoles.

Tiniyak naman ni Daza na patuloy nilang mino-monitor ang kalagayan ng mga Pinoy sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.

Sa kasalukuyan ay binabantayan aniya nila ang South Carolina na tinutumbok ngayon ng bagyo.

Umaabot sa 17,500 ang mga Pilipino na naninirahan sa nasabing lugar.

This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on