WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Malabon choir kampeon sa Indonesia

Hindi talaga nagpapahuli ang mga Pinoy sa larangan ng pagkanta internasyunal! Wagi na naman kasi ang talentong Pinoy sa 2nd Ken Steven International Choral Festival matapos masungkit ng Malabon Concert Singers ang pagiging kampeon sa nasabing kompetisyon na ginanap sa North Sumatra, Indonesia.

Ang grupo ang itinanghal bilang winner sa Open Choir Category at inungusan ang siyam pang kalahok mula sa host country nitong September 23 hanggang 25. Hindi lang iyon, ang kanilang miyembrong si Anthony Go Villanueva rin ang itinanghal bilang Best Conductor.

Iba’t ibang kanta ang itinanghal ng grupo na siyang nagpapanalo sa kanila gaya ng mga classic piece at Gospel music. Itinanghal din ng Malabon Concert Singers ang folk song na Ayug ti amianan ni Filipino arranger at conductor Prof. Fidel Calalang Jr.

Ang grupo rin ang nagbukas ng gala presentation at una sa mga nagtanghal sa mga naglaban-laban. Nakatunggali nila ang 10 pang bansa mula sa Asya.

Ang Ken Steven International Choral Festival ay isang kompetisyong ipinangalan kay Ken Steven na tubong-Medan, North Sumatra, Indonesia.

Hindi ito ang unang parangal na natanggap o nasungkit ng Pinoy group. Sila kasi ang nagwagi sa 5th Biñan National Choral Competition at naging kampeon din sa championship ng Virtual Christmas Choral Competition ng Soul Sounds Academy sa Sri Lanka. (MJ Osinsao)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on