WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

LTFRB: Walang fare matrix, bawal sa taas-pasahe

Epektibo na ngayong araw ang dagdag-pasahe, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Kasabay nito ay nagpaalala ang DOTr sa publiko, mga operator at driver na bawal maningil ng dagdag-pasahe kung wala pa silang nakapaskil na fare matrix.

“Dapat makita ng mga pasahero ang bagong matrix. I will request LTFRB lahat ng sectors para ‘di malito ang mga pasahero,” sabi ni Bautista.

“Dapat ganon. Kaya ang gagawin namin pag-igihan namin ang information drive lalo na operators ng jeepney para makita ng mga pasahero,” dagdag nito.

Umapela naman ng pang-unawa si Bautista mula sa pasahero at iginiit na matagal nang nangangailangan ng dagdag sa pasahe ang sektor ng transportasyon.

Ngayong araw ang traditional at modern jeepneys ay may pisong dagdag sa pasahe kaya ang minimum ay magiging P12 at P14. (Kiko Cueto)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on