WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Jessy dineklarang pinakamaganda, seksing buntis

‘Hi my babies!’ ang chika ni Luis Manzano sa latest Instagram post ni Jessy Mendiola, na kung saan ay naka-panty at bra (top) lang siya, at labas na labas ang tiyan.

Ang kinis-kinis ng tiyan ni Jessy, na kahit 26 weeks na, ang seksi-seksi pa rin ng dating.

Kung titingnan mo, walang pagbabago sa mukha ni Jessy, ha! Parang hindi mo sya makikitaan na buntis siya, kung face lang niya ang titingnan mo.

At kahit ang tiyan niya, puwede mo ngang isipin na baka busog lang siya, kaya lumaki. In short, hindi napingasan ang ganda, kaseksihan ni Jessy, kahit jontis na nga siya.

Sabi nga ng mga netizen, sobrang ganda pa rin ni Jessy, na sexy momshie nga siya, at pretty buntis.

Si Jessy nga raw ang prettiest preggy sa panahon ngayon.

Anyway, puro positive ang mensahe ng mga netizen sa latest photo na `yon ni Jessy. Na lahat sila ay nagkakaisa sa pagsasabing pinakamgandang buntis sa panahon ngayon.

Ang good vibes lang naman kasi ni Jessy ngayon, na alam mong alagang-alaga, at pinasasaya ni Luis, di ba? (Rb Sermino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on