WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Iskul naabo, pasok apektado

Apektado ang balik-eskuwela ng mga estudyante ng isang paaralan ngayong araw matapos itong magliyab at maabo ang ilang bahagi nitong Sabado ng gabi.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nasunog ang likurang bahagi ng Lopez Elementary School sa Barangay Batong Malake, Los Baños, Laguna bandang alas-sais ng gabi.

Natupok ang buong 2nd floor ng isa sa mga gusali nito kung saan ay limang silid-aralan ang naabo.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma, nakontrol ganap na alas-7:15 ng gabi at idineklara itong fire out ganap na alas-otso ng gabi.

Inaalam pa ng BFP ang halaga ng pinsala at ang dahilan ng pinagsimulan ng sunog.

Wala ring naiulat na nasaktan sa insidente subalit nagdulot naman ito ng pansamantalang pagsikip ng daloy ng trapiko sa Lopez Avenue na siyang daanan papasok at palabas ng UPLB. (Ronilo Dagos)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on