WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Binata kalaboso, pinsan inabuso

Dinakip ang 26-anyos na tauhan umano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos nitong lasingin at gahasain ang kanyang 12-anyos nitong pinsan noong Hulyo ng taong kasalukuyan.

Ayon kay P/Maj. Manolito Flores ng Pandacan Police Station 10, dinakip ang suspek habang naka-duty ito sa Taguig City sa bisa ng isang arrest warrant na inilabas ng korte nitong Setyembre 23.

Lumitaw na kinaibigan ng suspek ang 12-anyos niyang pinsan para madali umano nitong magawa ang kanyang maitim na balak.
Nagpapalitan pa umano ng text ang mga ito para mahulog ang loob ng biktima sa kanya bago nito gawin ang krimen nitong Hulyo .

“Nag-request itong biktima na sunduin siya dun sa tinutuluyan niya at dinala sa bahay ng suspek. Pagdating sa bahay ng suspek, pinainom ng alak. Nung nalasing na, saka hinalay,” ayon kay Flores.

Idinagdag nito na sumugod sa presinto ang galit na mga magulang ng biktima at sinumbatan ang suspek.

“‘Yung mga magulang ay talagang galit dun sa suspek dahil hindi nila akalain na kung sino pa ‘yung kadugo nila, ‘yun pa ‘yung hahalay,” dagdag nito. (Kiko Cueto)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on