WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

8 kelot sinampolan sa online sabong

Tinuluyang kasuhan ng Manila Police District (MPD) ang walong kalalakihan na nahuling nagsusugal ng online sabong sa Tondo, Maynila nitong Sabado.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling) na inamyendahan sa ilalim ng Republic Act sina Jayvee Mingoy, 21, online sabong operator; Bobby Fernandez, 41, vendor; Alexis Bañarez, 40; Jose Quinto,51; Rosauro Exconde, 54, Rene Petallo, 52; John-john Tambaon, 41; at Jeng Pascual Bucod, 37, kapwa vendor.

Unang naaresto ang mga ito sa loob ng Asuncion Public Market na matatagpuan sa No. 958 Asuncion St., sa kanto ng Zaragosa St., Barangay 1, Zone 1, District 1, Tondo, Maynila.

Nakumpiska sa lugar ang iba’t ibang gambling paraphernalia sa ilegal na online sabong at pustang P1,930.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya kung sino ang nasa likod ng operasyon ng ilegal na online sabong. (Juliet de Loza-Cudia)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on