WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Mga private hospital kapos na sa health worker – PHAPI

Nararamdaman na umano ng mga pribadong ospital ang kakulangan sa mga health worker ngayong patuloy pang nahaharap ang bansa sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Jose Rene de Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI), nakahanda naman silang tumanggap ng mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus subalit kapos na sila sa mga health worker.

“Maraming healthcare worker na umaalis sa pribadong ospital, either lumilipat sila sa public hospital o nangingibang bansa,” ani De Grano.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na nangangailangan ng 106,000 nurse ang mga pampubliko at pribadong pagamutan sa bansa.

Bukod sa mga nurse, kulang din umano ng mga doktor, pharmacist, radiologic technologist, medical technologist, midwife, physical therapist, nutritionist at mga dentista.

Kaugnay naman sa isyu ng mababang sahod sa mga health worker, nanawagan ang DOH sa Kongreso na amyendahan ang Republic Act No. 7305 o Magna Carta of Public Health Workers upang isama ang mga nasa pribadong ospital.

Giit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na kailangang ma-standardize ang sahod at mga benepisyo na tinatanggap ng mga health worker upang mapigilan ang pag-alis ng mga ito sa Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on