WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

MavLine pasok sa ‘JulieVerse’ concert

Isang Tiktok post ni Rayver Cruz ang ishi-nare ni Julie Anne San Jose kung saan makikitang kasabay nilang sumayaw sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

Agad na nag-speculate ang mga fans na kabilang ang rumored lovers sa gaganaping “JulieVerse” concert nina Julie Anne at Rayver, lalo na sa caption dito ng Limitless Star.

“We’re ready for #JulieVerse (flaming heart+fingerheart emoji),” say ni Julie Anne sa kanyang Instagram post nitong Sabado.

“JulieVer x MavLine,” caption naman ni Rayver sa kanyang Tiktok account habang sinasayaw nila ang “Spin Back x Cardboard Box”.

Lalo tuloy na-excite ang mga fans ng mga sikat na loveteams sa Kapuso network.

Bukod raw sa pagsali ng MavLine sa concert, pasok din diumano si Mr. Pure Energy Gary Valenciano?
Gaganapin ang “JulieVerse” concert sa Nobyembre 26 sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City.

Available na umano ang tickets para dito sa Synergy at Ticketworld. (Batuts Lopez)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on