WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Malacañang tinukuran Oct 2023 barangay, SK election

Suportado diumano ng Malacañang na gawin sa Oktubre 2023 ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa halip na isagawa ito sa Disyembre pa ng susunod na taon.

Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian matapos na aprubahan ng bicameral conference committee kamakailan ang panukalang batas para ipagpaliban ang BSKE at lagda na lamang ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kulang.

Sinabi ni Gatchalian na malabo nang ma-veto ang panukala dahil sang-ayon umano dito ang Malacañang.

Paglilinaw pa ng senador na bagamat ang orihinal na panukala ay gawin sa Disyembre 2023 ang halalan, nabago aniya ito pagdating sa bicam dahil nakita na masyadong abala ang lahat kapag Kapaskuhan kung kaya’t inilipat na lamang sa Oktubre.

“Sang-ayon naman ang Malacañang sa paglilipat sa Oktubre,” ayon kay Gatchalian.

Dagdag pa ng senador na walang masasayang sa ginawang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) partikular ang pag-imprenta ng mga balota dahil itatago lang naman aniya ang mga ito. (Eralyn Prado)

This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on