WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Ivana nawalan nang gana kay Gerald

Kung sa Instagram ay patuloy na pinaiinit ni Ivana Alawi ang ulo ng mga manyakol, dahil na rin sa mga sexy photo niya, sa serye niyang ‘A Family Affair’ ay ang ulo naman ng mga kasamahan niya ang pinaiikot niya.

Makikita na ng magkakapatid na Estrella (Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, Jameson Blake) ang hagupit ng galit ni Cherry Red (Ivana) ngayong alam na niya ang totoong sinapit ng kanyang magulang.

Ngayong nakapangalan pa rin sa kanya ang rancho, magagamit ni Cherry ito pati na ang iba pang kayamanan ng pamilya para sa kanyang paghihiganti. Tinipon nga niya sina Paco (Gerald), Dave (Sam), at Seb (Jake) para kamustahin at sabihin na batas na niya ang susundin sa kanilang pamamahay.

Agad nga niyang ipinadakip si Drew (Jameson) at ikinulong sa basement ng kanilang mansyon. Ipinalabas niya na paraan niya ito para mapalayo ang binata sa paggamit ng droga.

Sinunod naman niyang puntiryahin si Seb at nilagyan ng camera ang kwarto ni Florabelle (Claire Ruiz) kung saan nagkita muli ang dalawa.

Mas lumalamig naman ang kanyang pakikitungo sa asawang si Paco (Gerald) kahit pa paulit-ulit itong humihingi ng paumanhin.

Samantala, miserable naman si Dave nang malaman niyang hindi totoong buntis ang asawang si Becca (Aya Fernandez).

Alamin sa mga susunod pang eksena kung paano naman ni Cherry paglalaruan si Dave.

Huwag palampasin ang kapanapanabik na kwento ng “A Family Affair” at mauna na itong panoorin sa iWantTFC app (iOs at Android) o iwanttfc.com48 oras bago ito umere sa telebisyon. Maari rin itong subaybayan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:20PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live,A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV,at TV5.

META: Patindi nang patindi ang mga ganap sa buhay ni Ivana, at bagay na bagay sa kanya ang papel ng isang babaeng naghihiganti sa mga kalalakihan, ha!

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on