WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Grabe sweetness: Julie, Rayver hindi nag-away sa Amerika

Mula sa aming source na nakakasama ng JuliVer na sina Julie Anne San Jose ay Rayver Cruz sa U.S. kunsaan, nagkaroon sila ng series of successful show na “Together Again,” sobrang sweet daw talaga ng dalawa.

Sey nito, “In fairness, ngayon ko lang nakasama si Julie and Rayver out of the country pero pati ako kinikilig.

“Na-feel ko yung love.. Hindi lang sa work nila pati sa mga sarili nila. Wala akong away na nakita sa buong trip namin. Napaka gentleman ni Rayver.”

O ha!

Kunsabagay, kitang-kita naman sa mga photo na pinu-post nila, at mga video/photo na pinu-post ng mga fan nila sa Amerika, kung gaano sila ka-happy, at kung gaano kalambing si Rayver ka Julie, ha! (Rose Garcia)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on