WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Gasolina, diesel may baryang bawas-presyo

Muling magpapatupad diumano ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa darating na Martes, Oktubre 4.

Base sa oil trading monitoring, maaaring mabawasan ang presyo ng kada litro ng diesel ng P0.30 hanggang P0.70 sentimo gayundin sa gasolina na nasa P0.20 hanggang P0.60 kada litro ang posibleng ibawas.

Matatandaan na noong Setyembre 27 ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng bawas-presyo na P1.65 sa kada litro ng gasolina habang nasa P1.35 ang tinapyas sa diesel at kerosene.

Samantala, una nang inihayag ng isang opisyal ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) na epektibo nitong Sabado, Oktubre 1.

Ayon kay Assistant Director Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau, nasa P3 ang posibleng bawas-presyo sa kada kilo ng LPG na katumbas ng P33 sa kada 11 kilogram na tangke ng LPG.

Mayroon ding inaasahang mahipit P1 bawas-presyo sa kada litro ng auto LPG. (Betchai Julian/Kiko Cueto)

This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on