WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

4,500 sako ng basura nahakot sa Dolomite Beach

Pumalo sa 4,500 sako ng basura ang nakolekta ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isinagawang clean-up drive ng ahensya sa Dolomite Beach sa Maynila.

Ayon kay DENR Metropolitan Environmental Office (MEO) West officer-in-charge Director Rodelina de Villa, kabilang sa mga nakolektang basura ay plastic, mga water lily at mga marine debris.

Sinabi pa nito na 3,000 sa 4,500 na sako ay mula sa DENR Central Office sa pamamagitan ng Manila Bay Coordinating Office at 1,500 trash bag naman ang galing sa DENR National Capital Region.

Nabatid pa na umabot sa 4,000 volunteer ang sumali sa paglilinis ng Dolomite Beach. (Riz Dominguez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on