WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Tumatawid na 67-anyos, sinalpok ng pickup

Sugatan ang isang 67-anyos na babae matapos mabundol ng isang Nissan Navarra pick-up habang tumatawid sa pedestrian lane kamakalawa ng gabi sa may intersection ng M.H Del Pilar at Pedro Gil St., Ermita, Maynila.

Isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Dulce Liwanag, liason officer at nakatira sa Western Bicutan Taguig City.

Sa imbestigasyon ni PCpl John Patrick Ted C Mañaol, ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente alas-7:45 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Binabagtas umano ni Mhark Jay Nidoy, company driver at taga-Havilah Residences, Pagdaraoan, San Fernando, Union ang southbound ng MH Del Pilar St. at pagsapit sa nabanggit na lugar ay kumaliwa at nahagip ang tumatawid na biktima.

Natumba umano ang biktima at kaagad isinugod sa pagamutan.

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Physical Injury ang suspek. (Juliet de loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on