WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Tsugi kay `Karding’ 12 na

Pumalo na sa 12 ang nasawi habang 52 ang nasugatan at anim ang nawawala sa paghagupit ng super typhoon Karding sa bansa noong Linggo.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nagmula sa Tanay, Rizal ang pinakahuling biktima ng bagyo. Wala pang ibang ibinibigay na impormasyon ang NDRRMC tungkol sa narekober na bangkay.

Batay sa record, anim na biktima ni “Karding” ang taga-Bulacan kabilang dito ang limang rescuer na nalunod sa flash flood sa San Miguel at tig-isa sa Zambales, Burdeos, Quezon, Tanay at Antipolo sa Rizal.

Samantala, may 52 naman ang sugatan sa iba’t-ibang dahilan habang nananalasa ang bagyo – 50 ang mula sa Central Luzon at dalawa sa Calabarzon habang hinahanap pa ang nawawalang limang mangingisda mula sa Mercedes, Camarines Norte at isa pa sa Patnanungan, Quezon. (Kiko Cueto)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on