WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

PH utang lagpas 13 trilyon na

Lumagpas na sa P13 trilyon ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas noong katapusan ng Agosto.
Ayon sa Bureau of the Treasury, P133.64 bilyon ang nadagdag sa utang nga bansa noong Agosto mula Hulyo kaya umaabot na ito sa P13.02 trilyon.

Kung hahatiin ito sa lahat ng Pilipino, sanggol man o matanda, papatak ang utang ng bawat isa sa P117,297.30.

Ayon sa datos ng BTr, lumaki ang foreign debt ng Pilipinas sa P4.078 trilyon nitong Agosto mula sa P4.055 trilyon noong katapusan ng Hulyo. Base sa datos ng BTr, nagbayad pa ang pamahalaan ng principal ng ilang foreign debt nito ng P14.75 bilyon ngunit lumaki pa rin ang foreign debt dahil sa pagbagsak ng piso.

Nakaraang Hulyo ang palitan ng piso na ginagamit ng BTr sa pagkwenta ng foreign debt ay P55.32 ngunit ang palitan nito sa dolyar noong Agosto ay nasa P56.17 na.

Hunyo nang umupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay nasa P12.79 trilyon ang utang ng PH. Simula nang siya ay umupo sa Malacañang ay P229.73 bilyon na ang nadadagdag sa utang ng Pilipinas. (Eileen Mencias)

This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on