WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Lagman bagong pangulo ng LP

Si Albay Rep. Edcel Lagman ang nahalal na Pangulo ng Liberal Party (LP), isa sa national political party sa bansa.
Si Lagman ang pumalit kay dating senator Kiko Pangilinan, na naging chairperson ng partido kapalit ni dating vice president Leni Robredo.

Inihalal din ng National Executive Council ng LP sina dating Quezon City Rep. Kit Belmonte bilang Vice chairman, dating Quezon Rep. Erin Tañada bilang Executive Vice President, dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat bilang Secretary General, at Oriental Mindoro Rep. Alfonso ‘Boy’ Umali bilang Treasurer.

Si Iloilo Provincial Board Member Jason Gonzalez ay nanatili namang Director General ng partido. (Billy Begas)

This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on