WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Droga, boga nasabat sa Cavite

Tatlumpu’t pitong sachet ng hinihinalang shabu at baril ang nasamsam sa buy bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite Biyernes ng madaling araw.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy bust sa pagitan ng alas-10:30 kamakalawa ng gabi hanggang alas-2:30 Biyernes ng madaling araw.

Sa bayan ng Naic, apat na hinihinalang tulak ang naaresto habang tig-tatlo naman sa Imus City, Bacoor City at Kawit at tig-dalawa sa General Mariano Alvarez (GMA) at Gen Trias City habang isa sa Indang o kabuuang 18.

Sa nasabing operasyon, isang kalibre 38 na baril at bala ang nasamsam kay Edwin Bautista y Bombate, 43, driver sa isinagawang buy bust operation alas-12:15 kahapon ng madaling araw sa Brgy. Virata, GMA, Cavite na nakalagay sa isang sling bag kung saan sa kabuuan ay 37 sachet ng shabu ang nakumpiska sa nasabing mga indibidwal. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on