WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

P235B investment nasungkit sa US trip ni BBM

HALOS apat na bilyong dolyar o katumbas ng higit P235 bilyon na pamumuhunan ang inaaasahang papasok sa bansa at daan-daang libong trabaho ang malilikha mula sa resulta ng biyahe ni Pangulong Ferdinand ‘Bonbong’ Marcos Jr. sa Amerika noong nakalipas na linggo.

Batay sa investment data na inilabas ng Malacañang, nasa mahigit $3.9 billion na business agreements ang naselyuhan sa naging biyahe ng presidente, bukod sa mga commitment ng ibang mga negosyante para mamuhunan sa Pilipinas.

Mangangahulugan din ito ng paglikha ng potensyal na 112,285 na mga trabaho mula sa iba’t ibang industriya gaya ng Information technology and business process management (IT-BPM), data centers at manufacturing.

Ilan sa mga kompanya ay nagpahayag ng interes para sa mga bagong pamumuhunan sa Pilipinas subalit kailangan munang isapinal ang kanilang plano.

Matatandaang nitong Miyerkoles ay pinasinayaan ng presidente ang bagong terminal bulding ng Clark International Airport sa Pampanga bilang hudyat ng pagbubukas ng Pilipinas para makipag-partner sa mga potensyal na investor. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on