WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Todas kay ‘Karding’ 10 na, 8 pa nawawala

Umakyat na sa 10 ang mga nasawi habang walo ang naiulat na nawawala sa paghambalos sa bansa ng Super Typhoon Karding noong Linggo.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction Management and Council (DRRMC) deputy spokesperson Raffy Alejandro, nagmula sa Baliwag, Bulacan at Tanay, Rizal ang nadagdag sa listahan ng mga biktima ng bagyo.

Una na rito ang limang rescuer na nalunod sa San Miguel, Bulacan; dalawa mula sa Zambales at isang natabunan ng landslide sa Burdeos, Quezon.

Dalawang taga-Antipolo City, isa mula sa Patnanungan, Quezon at dalawa pang mangingisda mula Camarines Norte ang pinaghahanap.

Nauna rito ay tatlong mangingisda sa Camarines Norte ang naiulat na nawawala sa kasagsagan ng bagyo.

Samantala, sinabi ni Alejandro na lumobo na sa 157,023 katao o 39,893 pamilya ang naapektuhan ng kalamidad.

Aniya, 37,135 katao o 8,825 pamilya ang nananatili pa rin sa 574 evacuation center sa mga apektadong lugar sa Region 1, 2, 3 Calabarzon (Region 4A), Mimaropa (Region 4B), Region 5, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Pumalo na rin sa P1.291 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura habang 82,158 magsasaka ang naapektuhan at nalugi dahil sa nasira nilang mga pananim.

Umaabot naman sa P135 milyon ang halaga ng mga napinsalang kalsada, tulay at flood-control structure dahil sa bagyo.

Sa ginawang assessment nitong Miyerkoles ng Department of Public Works and Highways (DPWH) umabot sa P34.71 milyon ang halaga ng mga nawasak na kalsada, P22.39 milyon sa tulay, habang P77.99 milyon naman sa istruktura ng flood-control. (Kiko Cueto/Mina Navarro)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on