WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Surigao del Sur niyanig ng magnitude 5.4

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang bayan ng Cortes sa Surigao del Sur kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pag-uga bandang alas-9:02 ng umaga dahil sa tectonic na dahilan o pagkikiskisan ng mga plato sa ilaim ng lupa.

May lalim ang pagyanig na 18 kilometro at ang episentro nito ay naitala 43 kilometro sa silangan ng Cortes.

Wala namang naitalang pinsala ang naramdamang pagyanig pero posibleng magkaroon ito ng mga aftershock sa susunod na mga oras.

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on