WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

P7M shabu idineklarang stuffed toy, buking

Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit P7 milyon na halaga ng pinaniniwalaang shabu na idineklara bilang stuffed toy sa isinagawang delivery operation sa Bacoor City, Cavite noong Martes.

Ayon sa ulat, dumating sa bansa ang kontrabado noong Setyembre 26 mula sa Victoria, London.

Idineklara ang pakete na naglalaman umano ng ‘unsolicited gift-baby soft toys for personal use’ pero nagpositibo sa droga nang dumaan ito sa mga K9 unit sa Port of Clark.

Nakita rin sa x-ray machine ang kaduda-dudang imahe ng pakete na kalaunan ay nabistong 1.14 kilo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P7.87 milyon.

Nakasiksik ang umano’y tig-tatlong plastic ng droga sa dalawang piraso ng Star Wars Mandalorian Plush Toy.

Dahil dito’y nag-isyu ng warrant of seizure and detention si District Collector Alexandra Lumintad laban sa kontrabango na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang claimant.

Sasampahan ang mga ito ng kaukulang kaso habang iniimbestigahan ng PDEA ang insidente para matukoy ang mga posible pang kasabwat ng mga suspek. (Mina Navarro)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on