WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Northern Luzon target ng bagyong Luis

Tuluyan nang nabuo sa pagiging bagyo ang binabantayang low pressure area sa bansa at tatawagin itong bagyong Luis.

Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang sentro ng bagyo 1,100 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon kahapon.

Kumikilos ito taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong hanggang 70 kilometro kada oras.

Wala pa namang inaasahang kahit na anong direktang epekto ang bagyo sa anumang kalupaan ng bansa.

Samantala, magpapaulan naman ang aktibong hanging habagat sa ibang bahagi ng bansa.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on