WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Mga parlorista naka-P1M sa show ni Vice Ganda

Inulan ng swerte ang pagbabalik ng “Everybody, Sing!” dahil buena manong nasungkit ng songbayanan ng beauticians ang jackpot prize na isang milyong piso noong Sabado (Sept. 24).

Naka-ipon ng 80 segundo ang 50 player na beautician na nagamit nila sa jackpot round, kung saan nahulaan nila ang 10 titulo ng mga kantang pinatugtog ng bandang Six Part Invention.

“Deserve niyo ‘yan sa dami ng mga buhay na pinapaganda ninyo, sa dami ng mga mukhang pinapaganda ninyo, at sa dami ng mga damdaming pinapaganda ninyo. Congratulations,” sabi ni Vice Ganda matapos ang makapigil-hiningang paghula ng songbayanan sa ika-10 kanta na “Mahal Na Kita.”

Sa pangalawang episode naman ng “Everybody, Sing!” noong Linggo (Sept. 25), nagwagi ng P70,000 ang mall sales clerks matapos nilang mahulaan ang pitong kanta sa jackpot round. (Dondon Sermino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on