WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Mga ‘ghost scholar’ sa CHED binuking

Ibinunyag ni Senador Risa Hontiveros na may mga ‘ghost scholar’ umano sa Commission on Higher Education (CHED) matapos makatanggap ng reklamo ang kanyang tanggapan mula sa ilang estudyante.

Ang scholarship program ng CHED ay ipinag-uutos ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act o Republic Act 10931.

“Almost 400 students have sent complaints to my office that they have not received their education subsidy. Kasama dito, may mga reklamo na may mga ‘ghost scholar’ na nakakatanggap ng tui­tion reimbursement ng mga estudyante na naka-graduate na,” pahayag ni Hontiveros.

“So kung hindi ang mga bata, sino ang totoong nagka-cash in? Seryosong alegasyon ito na kaila­ngan imbestigahan ng CHED,” dagdag pa niya.

Sa pagdinig ng panukalang 2023 budget ng CHED, kinuwestiyon din ni Hontiveros ang CHED kaugnay ng kanilang depektibong Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng UniFAST, CHED, at Development Bank of the Philippines (DBP) na nagresulta sa paggarahe ng P1 bilyong pondo sapol noong 2019 at pagpigil sa implementasyon ng programa.

“Alam n’yo naman na may problema sa MOA pero bakit hindi ninyo ibinalik agad sa National Treasury ang P1 billion na nakalaan para dito? Hindi barya-barya ang pinag-uusapan dito. Naibalik ninyo na ba ang naka-park na P1 billion na ito sa National Treasury? Ano namang nangyari sa interest earnings nito? Mayroon pa bang ibang mga naka-park na pondo para sa libreng edukasyon na nakatengga lang?” tanong ni Hontiveros sa CHED.

“Up to 3 years ang backlog ng CHED sa pag-release ng pera sa mga estudyante. Nasaan ang pondo?” saad pa niya.

Ipinakita pa ni Hontiveros ang screenhot na inemail sa kanyang tanggapan ng opisyal Facebook pages ng UniFAST NCR at Region 10 kung saan hinimok ng admin ang mga estudyante na i-post ang #IStandWithCHEDUniFast matapos manawagan ang senadora para imbestigahan ang P7 bilyon halaga ng ‘questionable releases’ ng CHED.

Ipinakita rin doon ang ilang mga reklamo ng mga estudyante.

“Sa mga e-mail na natanggap ko, huwag na daw na ipaalam ang identity nila. Ramdam ko na takot sila na malaman na nagrereklamo sila kasi baka lalo silang mawalan ng scholarship. At mukhang sa official social media pages pa, na-gaslight pa sila na kung maimbestigahan ang mga anomalyang ito, matitigil ang libreng pag-aaral nila.

Gusto nating imbestigahan ito para maayos ang mga problemang nakakaapekto sa maraming estud­yante, hindi itigil ‘yong programa. There is a real climate of fear among students, and we at the Senate should find out who is instigating it,” ani Hontiveros.

“Maraming magulang at bata na hirap na hirap ang humihingi ng tulong para makapag-aral sila. Gusto natin silang tulungan pa, kaya kailangan nating siguraduhin na ang dagdag pondo na nilalaan natin para dito ay totoong pupunta sa kanila, at hindi sa sinumang iba. Stealing from our children is stealing from our future,” pagtatapos pa niya. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on