WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Lalaki inimbita para itumba

Patay ang isang binata nang barilin ito ng kanyang dating kaaway bago mag-inuman habang nag-iinuman sa Malabon City nitong Martes ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center ang biktima na si Fernado Brucelo Jr., 43-anyos ng Block 21 Lot 12, Phase 2, Area 1, Barangay NBBS, Navotas City dahil sa tinamong tama ng bala ng cal. 9mm pistol sa dibdib.

Naaresto ang suspek na si Jomel Cerbito, 28-anyos, ng Block 9C, Lot 18, Phase 2, Area 3, Hiwas Alley, Barangay Longos, Malabon City, habang nakatakas ang kasama nito na si Jr. Mungcoy, 29-anyos at residente ng Sabalo St., Barangay 8, Caloocan City.

Sa ulat ni P/SSg. Mardelio Osting ng Station Investigation Unit (SIU), dating magkaaway ang dalawa pero nagkasundo nang mag-ayos. Para patunayang wala na siyang sama ng loob, inimbita kunwari ng suspek ang biktima na mag-inuman bandang alas-11:30 ng gabi.

Habang magkakasabay na naglalakad patungo sa isang parking lot, nagbago umano ng isip ang biktima at nagpaalam na uuwi na lang. Nagalit ang suspek, bumunot ng baril at pinutukan ang biktima sa dibdib.

Tumakas ang mga suspek pero nadakip si Cerbito ng mga tauhan ng Sub-Station 5 (SS-5), at ininguso ito ng mga saksi. Kinasuhan ng murder ang mga suspek. (Orly Barcala)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on