WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Kelot nanapak ng mahigit 100 beses sa Pinay, kulong

Makukulong ng 17 at kalahating taon ang isang lalaki matapos nitong atakihin, sapakin ng mahigit 100 beses, murahin at paluin ang 67-anyos na Pinay habang papasok ito sa kanyang apartment sa New York, USA noong Marso.

Ito’y matapos na maghain ng guilty plea ang akusadong si Tammel Esco, 42 dahil sa paglabag sa hate crime sa Amerika. Magsisimula ang jail term nito sa Nobyembre 29.

Ayon kay District Attorney Miriam Rocah, nakamit ng biktima ang hustisya sa kanyang sinapit nang aminin ng akusado ang ginawa nitong krimen.

Nahuli sa CCTV si Esco habang inaatake nito ang biktima na papasok naman sa kanyang apartment noong gabi ng Marso 11. Pinagsusuntok nito ang biktima sa mukha dahilan para magdugo pati ang utak nito.
Inaresto ang suspek at hindi pinayagang makapagpiyansa.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on