WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Ice magpapatapyas ng boobs

Plano na rin ni Ice Seguerra na magpatapyas ng dibdib para sa proseso ng pagiging transman.

Sa panayam ng Abantelliling (ang #1 most viewed entertainment sa TikTok) kay Ice nitong Martes, una muna ay tinanggi niya na nagpabawas siya ng boobs, nang matanong namin siya tungkol sa larawang pinoste ni Sylvia Sanchez sa Instagram.

Sa larawan ay walang umbok ang dibdib ni Ice at tanging utong lamang ang makikita sa suot niyang sports bra. Naka-boxer shorts din ang singer.

Pinalagay namin at ng iba pang netizen na nagpatapyas na nga ng laman sa dibdib si Ice, gaya nang ginawa ni Jake Zyrus para mas mangibabaw ang itsura nitong lalake.

Paliwanag ni Ice, isang specially-design sports bra ang suot nya na gawa ng kaibigan nyang undergarment company.

Hindi na kinakailangan pang maglagay ng binder ang mga tomboy para lang maipit ang kanilang mga suso.

Pero yun nga, kahit bagyo ay wala nang makakapigil pa kay Ice na ipatanggal ang kanyang suso sa susunod na taon.

Samantala, isang major concert para sa selebrasyon ng kanyang 35th year sa showbiz ang gagawin ni Ice sa October 15, sa The Theater, Solaire, ang “Becoming Ice”.

Makakasama ni Ice sa concert, sina Vic Sotto, Gary V., Martin Nievera, Regine Velasquez, Tres Marias; Cookie Chua, Bayang Barrios at Lolita Carbon. Kakanta rin sina Chito Miranda, Sitti, Princess Velasco at Juris. (Rey Pumaloy)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on