WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Bad trip na magdyowa, anak nilamog sa bugbog

Nahaharap sa kasong frustrated parricide ang isang mag-asawa na nambugbog ng isang taong gulang nilang anak matapos umanong ma-bad trip sa pag-iyak ng nagugutom na biktima sa Compostela, Cebu City.

Kinilala ng Compostela Police Station ang mga suspek na sina William Valiente at Brigilda Dacua, kapwa residente ng nasabing bayan.

Kapwa aminado ang mga suspek na bumatak sila ng shabu nang masaktan nila ang kanilang anak noong Biyernes ng gabi.
Tumakas ang mga ito pagkatapos ng krimen pero isinumbong sila ng kapatid ni Valiente sa pulisya.

Nadakip si Valiente sa Carbon Public Market at ilang oras lang ay sumunod nang naaresto si Dacua noong Lunes.

Ayon sa report, sumugod sa bahay ng mga suspek ang kanilang mga anak nang marinig ng mga ito ang pagtangis ng biktima. Naabutan pa umano ng mga ito ang mga suspek habang sabay na nilalamog sa bugbog ang biktima.

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on