WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

2.5 milyong residente pinalilikas dahil kay Hurricane Ian

Mahigit dalawang milyong residente sa Florida, USA ang pinalilikas dahil sa inaasahang paghagupit ng Hurricane Ian sa susunod na mga oras

Ito’y matapos itaas sa Category 3 ang babala sa bagyo dahil sa taglay nitong lakas ng hangin na umaabot sa 129 milya kada oras o 208 kilometro bawat oras.

Ayon kay Governor Ron DeSantis, bagama’t hindi eksakto ang mga pagtaya sa paggalaw ng bagyo, kailangan nilang mag-ingat dahil malawak ang mata ng bagyo at tiyak na malaking pinsala ang idudulot nito sa kanilang estado.

Aniya, maaari itong magdulot ng malawakang pagbaha na magbibingit sa kapahamakan ng kanilang mga residente.

Para mapadali ang paglilikas, sinuspinde ang pagbabayad sa mga toll gate sa mga pangunahing kalsada sa central Florida.

allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen>

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on