WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Tirador ng cellphone nakalawit

Sa kulungan bumagsak ang isang pedicab driver na umano’y tirador ng cellphone nang mahuli ito sa akto ng may-ari ng karinderya makaraang nakawin ang cellphone ng huli sa Navotas City kamakalawa.

Nahaharap sa kasong Violation of Art. 308 (theft) si Abonete Estelito, 42, may live-in partner, nakatira sa NBBS, Dagat-Dagatan.

Kwento ng complainant na nakiusap at nagpatago sa pangalang `Rick,’ alas-8:30 ng gabi, bumili daw ng kanin sa kanyang karinderya si Estelito. Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya tumalikod si Rick para ayusin ang paninda upang hindi mabasa ng ulan.

Sinamantala ito ni Estelito at kinuha ang cellphone ng biktima na nagkakahalagang P9,000 na nakapatong sa lamesa.

Paaalis na sana ang suspek nang mapansin ng biktima na wala na ang kanyang cellphone kaya humingi ito ng tulong sa mga barangay tanod.

Hinabol ng mga ito si Estelito hanggang sa mahuli at nakuha sa bulsa ng suspek ang cellphone ni Rick. (Orly Barcala)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on